Matindi ang naging banat ni Atty. Rowena Guanzon kay Ronald Llamas matapos umanong tanungin daw siya nito kung “kabit ba niya si Sen. Risa Hontiveros.” Nag-trending online ang pahayag ni Guanzon dahil sa pagiging diretsa at matapang ng kanyang sagot.
Samantala, kaugnay ng usapin sa ICC warrant laban kay Sen. Bato dela Rosa, sinabi naman ni Atty. Torreon na puro “bluff” lamang umano ang mga sinasabi ni Justice Secretary Boying Remulla. Giit niya, walang basehan ang ilang pahayag ng kalihim at tila taktika lamang ang mga ito upang takutin o lituhin ang publiko.
0 Comments