Ticker

6/recent/ticker-posts

Suspek nagpaumanhin matapos mang-holdap ng vape shop sa Marikina



Arestado ang isang 23-anyos na dating security guard matapos holdapin ang isang vape shop sa Old J.P. Rizal St., Bgy. Kalumpang, Marikina City

Linggo ng umaga, Enero 4. Sapul sa CCTV dakong alas-5:00 ng umaga ang pagpasok ng suspek at isang kasabwat. 

Ayon kay Police Colonel Jenny Tecson, officer-in-charge ng Marikina City Police, bigla na lamang naglabas ng baril ang isa sa mga ito at nagdeklara ng holdap. 

“Sila po ay nagpanggap na magi-inquire o magtatanong ng merchandise,” ani Tecson. Tinangka pa umano ng isang suspek na kunin ang tablet at cellphone ng biktima pero pinigilan ng kasama. 

Nakunan din sa CCTV ang isa sa mga suspek na humingi ng pasensya at sinubukang makipag-kamay sa biktima. 

Bago tumakas, ipinulupot ng mga suspek sa sales attendant ang isang HDMI cable para hindi agad makahingi ng saklolo.

 “Ang ginawa po nung attendant, andun ‘yung kaniyang presence of mind, ay nakatawag siya sa ating substation 1 na agad naman pong nag-responde,” saad niya. “Dapat nilang tawagan kaagad ‘yung kapulisan, i-dial nila ‘yung unified 911 natin,” 

dagdag nito. Natangay ng mga suspek ang P5,000 cash, isang speaker na nagkakahalaga ng P4,000, at dalawang unit ng vape. Sa follow-up operation sa Cubao, Quezon City

naaresto ang isa sa mga suspek at nabawi sa kanya ang lahat ng ninakaw. 

Tumanggi magbigay ng pahayag ang suspek na nakapiit na sa Marikina Police Custodial Facility

Samantala, kilala na at pinaghahanap na ng mga awtoridad ang pangalawang suspek, na nakita sa CCTV na may dalang baril. Mahaharap ang dalawa sa kasong Robbery-Hold up.

Source: ABS-CBN News







Share us your thoughts by leaving some comments below.


Post a Comment

0 Comments